Huwebes, Abril 12, 2018

STARFISH BEACH RESORT IN TANZA CAVITE! READ BEFORE YOU GO!


Overnight at Starfish Resort in Tanza Cavite





Note: I don't have many pictures to share because it's too dark even the camera flashes don't work so here i will just share to you our experience and creepy nights at Starfish beach resort.


5pm we arrived at the resort its quiet and most of the guests already leave the place isang family nalang yung nakarent sa isang kubo na malapit sa beach. Sa parking lot is isa rin lang ang sasakyan na andoon, so we all said its perfect dahil walang ibang tao~








Mura din ang entrance and kubo nila for overnight stay, We are 7 pax free na daw yung dalawang bata so adult nalang binayaran ko and the cottege for P500 overall i spent P800  for 6pm-6am stay at the resort.

Madaming kubo madaming tables may mga houses and bungalows and may mga rooms na available with aircon pero hindi ko na masyadong binigyan ng pansin dahil wala naman sana ako balak iblog yung lugar.

Mababaw ang tubig pero dahil sa Manila Bay to asahan na yung dark ang kulay ng tubig at may mga kalat sa shoreline

Sunset View and yes its cloudy~

Cottege we rented.
Nakakagulat dahil mura lang ang entrance fee mura din lang ang cottege, Hindi kalinisan ang tubig pero pwede na nga. Ang hindi ko lang nagustuhan literal na kami pa nagwalis sa lugar. Winalis lang ni Kuya yung nakakalat sa Kubo then umalis na siya. Yung mga diapers and anu-ano pang kalat is iniwan nya sa gilid ng cottege~ see the picture above sinusunog nalang namin yung mga dumi dahil balak din namin maglatag ng kutson sa buhanginan.                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                      Enough na si Kuya na nawalisan nya yung kubo namin so umalis na siya ang ginawa ko is pinapunta ko ulit yung asawa ko sa office nila and nghiram kami ng walis kami nalang nagwalis. Pero hindi pa dun natapos problema namin sa resort na to~

Night time came and nagulat kami na kung ano yung ilaw sa kubo namin is yun din lang yung ilaw sa lugar, oo alam namin nagtitipid dahil wala namang ibang guest dalawa lang kaming nakarent sa resort pero sana manlang kahit isang spotlight sa beach area iopen nila sobrang dilim, nung may dumating pa na isang guest is ganun din lang ilaw lang sa kubo and it came to the point na nagaagawan na sa mga tela and basura na pakalat kalat para may ipang siga sa bonfire hahaha~
Hubby sa gitna ng kadiliman ha ha

                               

lumubog pa naman ako lubog na hanggang tuhod lang ayoko ilubog mukha ko sa tubig nung time na maghuhugas sana ko ng paa and magpapalit ng short dahil binasa ako ng mga bata, walang tubig sa CR! sabi ng husband ko is mag wait nalang ako bukas na ko maligo~ Pero kinabukasan wala parin tubig!!! haha! nakakaloka! in the end nagpalit nalang ako ng damit dahil yung tinuturo na poso sakin ng may ari or hindi ko know sakanya kasi kami nag bayad is super dilim nung area see the picture above.



My friends having a hard time mag siga sa bonfire nila na puro basura


By the way, i forgot to tell you guys nahirapan kami matulog nung gabi why?

1. yung nilapag naming kutson sa buhanginan is a good idea~ kaso amoy ihi yung pwesto lumipat kami pero masangsang talaga yung amoy ng buhangin haha!

2. Ang daming lamok bes! naubos off lotion namin kakapahid pero in fairness may libreng katol may nakita kaming mga katol sa cottege .

3. May hindi kami kilala na ikot ng ikot sa lugar hindi namin alam kung staff ba o what kaya yung dalawang lalaki namin na kasama is ano oras na natulog

4. Dahil masangsang ang buhangin sa sasakyan na kami natulog ng asawa ko sila nalang sa cottege para hindi magsiksikan pero pag dating ng alas dos ng umaga nagsimula na ko mag ronda~


Kinagat ako ng lamok sa batok so nagising ako saktong pag gising ko may anino na tumakbo sa gilid ng sasakyan sabay tahulan ng mga aso biglang tayo ko dahil nakabukas bintana ng asawa ko narinig ko yung yabag nya papalayo and nakita ko na tumakbo yung mga aso  papunta dun sa super dilim na part ng beach katabi ng mga rooms nila, nagising agad yung husband ko tinanong ano yun sabi ko may tao kaso ang bilis naman tumakbo kasi saglit lang yung tayo ko dapat makikita ko pa sya~ kaso as in wala na talaga sya agad.

After nun yung mga aso sa paligid amoy na ng amoy kung saan saan maya  maya tahol maya maya alulong so hindi na ko natulog pumunta ko sa cottege and sinilip sila dahil naririnig ko na yung mga bata nagsisigawan. Non stop na yung alulong ng mga aso kaya yung katabi naming cottege is nag patugtog na ng malakas 2:30 am palang.

Alas 3 ng umaga niyaya ko na sila umuwi, natatakot ako sa lugar and isa pa ang dami naming kagat haha~ aawra pa sana kami ng may araw na kaso wag nalang dahil sa ilang oras ko palang na pagstay sa lugar is wala na magandang nangyari.
Braso ng isa kong friend napuno ng kagat mag tatatlong araw na after namin pumunta dun


bago kami umalis sabi ko na sa sarili ko kukuha ako ng shots ng maiblog ko yung lugar, obvious na super ok siya sa umaga dahil ang lawak ng lugar pero beware pag nag stay kayo ng overnight lalo na kung hindi peak season.



Shot sa Shoreline

Hubby and I sa shoreline mga shells yung puti sa buhangin

kung saan tumakbo yung anino 

kadiliman 


rumuronda na yung mga aso after nung may tumakbo

walang tubig sa cr and karamihan ng rest room out of order


one of the rooms~


Kubo na may terrace and room 


Tables and chairs na may umbrella



BIRTHDAY BOY!


yung bahay sa pinakadulo hindi ko mawari kung basurahan o tambakan ng buhangin 





kalat kalat everywhere


Bungalow 

Babalikan ko pa ba?
definitely NO umaga man o gabi ayaw ko na talaga haha buti nalang P800 lang kaming lahat.

Here is my VLOG nung pumunta kami sa Starfish Beach Resort
you can check the description box para sa links ng vlog ni Maya and Ann



Nakapunta ka na rin ba sa Starfish Beach Resort? pakishare naman experience mo sa comment section below~


Miyerkules, Abril 4, 2018

Megans Paradisio Resort in Pundaquit Zambales

MEGANS BEACH RESORT




My 2nd time in Pundaquit Zambales and this time We choose Megans Beach resort in Pundaquit.
If you read my blog about Canoe Beach Resort magkatabi lang sila ni Megans on the Seashore part they are just side by side but on the road side Megans and Canoe separated by a school which i forgot the name.

here some of my checklist whenever I'm traveling
√ Pet Friendly
√ Affordable
√Accepting Major Credit Cards
√No Corkage Fee


Megans Entrance

I forgot to ask if yung mga rooms located mismo sa entrance is a room for guests, pero if ever room this is also a rooms i can only say one thing. ANG LAYO! dadaanan mo pa yung front desk, parking lot and tindahan bago ka pa makapunta sa mismong beach.

View in front of Megans mini store

We rented the front beach room with outside porch and good for 6 pax according to their website the rate is just P3,000 but when we rented it sabi nila its P3,500 I don't know if its just peak season or maybe because the boss is not around ha-ha. We rented the room for 2 days and kahit na 11am palang and dapat ang check in time is 2pm they allow us to go na hindi tulad nung una naming tinanungan na mag wait kami hanggang 2pm.

Our room is spacious ang laki ng comfort room may sink pa sa loob as in para kang nag rent ng condo unit sa tagaytay. Malamig at hindi maingay ang aircon nila plus if nakasara yung pinto hindi mo maririnig ingay sa labas maliban nalang sa nagvivideoke. We do have two beds one is queen size and the other one is double deck perfect for 6 pax pwede ka pa mag lagay ng kutson sa lapag may additional payment nga lang sakanila.

Mishka and Hubby 
Front shot of our room cottege


ROUND HUT cost P700/day for wholeday and P900 for overnight stay. No Hidden Charges ingat sa ibang resort sa Pundaquit ang daming hidden charges. Walang Corkage Fee so you can bring your own food and drinks.

View of our neighbors room haha!



Tuesday March 27 2018 kami nakarating ilang days holy week na para sa mga Roman Catholics pero wala pang tao as in wala pang tao kami palang kahit yung first night namin walang ibang tao sa resort kaya nung gabi is nakakatakot dahil wala kaming kasama ha ha. 
My cat and dog sa twin sa queen size bed

I don't have any shots of our room inside dahil nagkalat na yung mga gamit namin but I do have my VLOG ON MY YOU TUBE CHANNEL.

If you want to check their rates and website Click Here.

I really enjoy the place dahil hindi katulad ng ibang resort na may makitang buhangin tatayuan ng cottege or kubo, hindi kasi sya crowded may enough space for tents kung huts lang ang rerentahan mo. Vendors actually not allowed inside nakalusot lang yung isang pinagbilhan namin ng alimango pag nakita ng caretakers is palalabasin sila agad.

The downside is if you don't know how to swim dont ever try swimming around 3pm onwards super lakas na ng alon tatangayin ka plus biglang lalim ang tubig ang lapit mo palang sa shore is hanggang dibdib na agad and im so disappointed dahil hindi ka makatambay ng maayos sa shore dahil puno na ng bangka kailangan mo pa sumiksik dahil dikit dikit ang mga bangka sa shoreline.


Wala kang maayos na view dahil sa dami ng bangka sa paligid. But speaking of Bangka super mura mag boat ride sa Pundaquit unlike pag sa Subic ka nagboat ride.
Nakalife vest pa si Mishka
If you want to visit the coves, Camara and Capones Island P900 lang for 5 pax kasama nanamin si Mishka and Kakashi one of our dog and cat.
View from one of the hidden mini cave in Anawagin


Overall trip sulit sa dalawang araw for P7,000 sa room and P900 sa boat ride. If you want to grill meron din sila and malapit din lang ang public market. 

As of now hindi ko masasabi pag marami ng tao dahil before we leave dalawang rooms palang ang na-occupy may slight noise lalo na yung pinto nila pag binabagsak pero tolerable sa malalalim ang tulog. 

next time pag may tent kaming dala we want to try na sa Anawagin cove matutulog may mga tours na nasa labas rerentahan mo para makapunta kasa anawagin without checking in sa resorts of Pundaquit.




Biyernes, Marso 16, 2018

Kremistry Liquid Nitrogen Ice Cream Menu and Pricelist

Kremistry Liquid Nitrogen Ice Cream

This is our first time visiting this unique shop Located at One Mall Gen T. De Leon Valenzuela City
Near Ugong and Karuhatan Valenzuela City.








First impression.

The place is nice but Gen T. de Leon do have schools around one mall so expect kids and students roaming around the mall.

The ambiance is also nice its not that cozy, the feeling of sit get the menu order eat and leave vibes. 

The staffs are not so friendly but they do explain what you will do very politely.



The Food?HAVEN!! Sweet tooth here never mind the crowd the ambiance and staff! I am so in love with the food they offer~



Menu


             

         





FOOD WE ORDER



SMORES dipped in to liquid nitrogen according to the staff dipped it for 5 seconds then wait 2 second before eating to avoid brain freeze!







POLAR WAFFLE that was too different from the picture,but the staff informed us about the serving size good or 1 person only but its so yummy! Gusto ko pa nga umorder ng isa kaso sabi ni hubby yung molar tooth ko sasakit nanaman haha


HOT POTIONS COFFEE that was so bitter hubby loves it so much!

They also have branch at Malolos Bulacan and you can check their Facebook Page here.

Will i go back?! yes, definitely pero hindi yung to the point na dadayuhin ko siya pag napadaan lang. Im still cravingg for the waffles though.... haha