MEGANS BEACH RESORT
My 2nd time in Pundaquit Zambales and this time We choose Megans Beach resort in Pundaquit.
If you read my blog about Canoe Beach Resort magkatabi lang sila ni Megans on the Seashore part they are just side by side but on the road side Megans and Canoe separated by a school which i forgot the name.
here some of my checklist whenever I'm traveling
√ Pet Friendly
√ Affordable
√Accepting Major Credit Cards
√No Corkage Fee
Megans Entrance |
View in front of Megans mini store |
Our room is spacious ang laki ng comfort room may sink pa sa loob as in para kang nag rent ng condo unit sa tagaytay. Malamig at hindi maingay ang aircon nila plus if nakasara yung pinto hindi mo maririnig ingay sa labas maliban nalang sa nagvivideoke. We do have two beds one is queen size and the other one is double deck perfect for 6 pax pwede ka pa mag lagay ng kutson sa lapag may additional payment nga lang sakanila.
Mishka and Hubby |
Front shot of our room cottege |
View of our neighbors room haha! |
My cat and dog sa twin sa queen size bed |
I don't have any shots of our room inside dahil nagkalat na yung mga gamit namin but I do have my VLOG ON MY YOU TUBE CHANNEL.
If you want to check their rates and website Click Here.
I really enjoy the place dahil hindi katulad ng ibang resort na may makitang buhangin tatayuan ng cottege or kubo, hindi kasi sya crowded may enough space for tents kung huts lang ang rerentahan mo. Vendors actually not allowed inside nakalusot lang yung isang pinagbilhan namin ng alimango pag nakita ng caretakers is palalabasin sila agad.
The downside is if you don't know how to swim dont ever try swimming around 3pm onwards super lakas na ng alon tatangayin ka plus biglang lalim ang tubig ang lapit mo palang sa shore is hanggang dibdib na agad and im so disappointed dahil hindi ka makatambay ng maayos sa shore dahil puno na ng bangka kailangan mo pa sumiksik dahil dikit dikit ang mga bangka sa shoreline.
Wala kang maayos na view dahil sa dami ng bangka sa paligid. But speaking of Bangka super mura mag boat ride sa Pundaquit unlike pag sa Subic ka nagboat ride.
Nakalife vest pa si Mishka |
View from one of the hidden mini cave in Anawagin |
Overall trip sulit sa dalawang araw for P7,000 sa room and P900 sa boat ride. If you want to grill meron din sila and malapit din lang ang public market.
As of now hindi ko masasabi pag marami ng tao dahil before we leave dalawang rooms palang ang na-occupy may slight noise lalo na yung pinto nila pag binabagsak pero tolerable sa malalalim ang tulog.
next time pag may tent kaming dala we want to try na sa Anawagin cove matutulog may mga tours na nasa labas rerentahan mo para makapunta kasa anawagin without checking in sa resorts of Pundaquit.