Overnight at Starfish Resort in Tanza Cavite
5pm we arrived at the resort its quiet and most of the guests already leave the place isang family nalang yung nakarent sa isang kubo na malapit sa beach. Sa parking lot is isa rin lang ang sasakyan na andoon, so we all said its perfect dahil walang ibang tao~
Mura din ang entrance and kubo nila for overnight stay, We are 7 pax free na daw yung dalawang bata so adult nalang binayaran ko and the cottege for P500 overall i spent P800 for 6pm-6am stay at the resort.
Madaming kubo madaming tables may mga houses and bungalows and may mga rooms na available with aircon pero hindi ko na masyadong binigyan ng pansin dahil wala naman sana ako balak iblog yung lugar.
Mababaw ang tubig pero dahil sa Manila Bay to asahan na yung dark ang kulay ng tubig at may mga kalat sa shoreline
Sunset View and yes its cloudy~ |
Cottege we rented. |
Nakakagulat dahil mura lang ang entrance fee mura din lang ang cottege, Hindi kalinisan ang tubig pero pwede na nga. Ang hindi ko lang nagustuhan literal na kami pa nagwalis sa lugar. Winalis lang ni Kuya yung nakakalat sa Kubo then umalis na siya. Yung mga diapers and anu-ano pang kalat is iniwan nya sa gilid ng cottege~ see the picture above sinusunog nalang namin yung mga dumi dahil balak din namin maglatag ng kutson sa buhanginan. Enough na si Kuya na nawalisan nya yung kubo namin so umalis na siya ang ginawa ko is pinapunta ko ulit yung asawa ko sa office nila and nghiram kami ng walis kami nalang nagwalis. Pero hindi pa dun natapos problema namin sa resort na to~
Night time came and nagulat kami na kung ano yung ilaw sa kubo namin is yun din lang yung ilaw sa lugar, oo alam namin nagtitipid dahil wala namang ibang guest dalawa lang kaming nakarent sa resort pero sana manlang kahit isang spotlight sa beach area iopen nila sobrang dilim, nung may dumating pa na isang guest is ganun din lang ilaw lang sa kubo and it came to the point na nagaagawan na sa mga tela and basura na pakalat kalat para may ipang siga sa bonfire hahaha~
Hubby sa gitna ng kadiliman ha ha |
lumubog pa naman ako lubog na hanggang tuhod lang ayoko ilubog mukha ko sa tubig nung time na maghuhugas sana ko ng paa and magpapalit ng short dahil binasa ako ng mga bata, walang tubig sa CR! sabi ng husband ko is mag wait nalang ako bukas na ko maligo~ Pero kinabukasan wala parin tubig!!! haha! nakakaloka! in the end nagpalit nalang ako ng damit dahil yung tinuturo na poso sakin ng may ari or hindi ko know sakanya kasi kami nag bayad is super dilim nung area see the picture above.
My friends having a hard time mag siga sa bonfire nila na puro basura |
By the way, i forgot to tell you guys nahirapan kami matulog nung gabi why?
1. yung nilapag naming kutson sa buhanginan is a good idea~ kaso amoy ihi yung pwesto lumipat kami pero masangsang talaga yung amoy ng buhangin haha!
2. Ang daming lamok bes! naubos off lotion namin kakapahid pero in fairness may libreng katol may nakita kaming mga katol sa cottege .
3. May hindi kami kilala na ikot ng ikot sa lugar hindi namin alam kung staff ba o what kaya yung dalawang lalaki namin na kasama is ano oras na natulog
4. Dahil masangsang ang buhangin sa sasakyan na kami natulog ng asawa ko sila nalang sa cottege para hindi magsiksikan pero pag dating ng alas dos ng umaga nagsimula na ko mag ronda~
Kinagat ako ng lamok sa batok so nagising ako saktong pag gising ko may anino na tumakbo sa gilid ng sasakyan sabay tahulan ng mga aso biglang tayo ko dahil nakabukas bintana ng asawa ko narinig ko yung yabag nya papalayo and nakita ko na tumakbo yung mga aso papunta dun sa super dilim na part ng beach katabi ng mga rooms nila, nagising agad yung husband ko tinanong ano yun sabi ko may tao kaso ang bilis naman tumakbo kasi saglit lang yung tayo ko dapat makikita ko pa sya~ kaso as in wala na talaga sya agad.
After nun yung mga aso sa paligid amoy na ng amoy kung saan saan maya maya tahol maya maya alulong so hindi na ko natulog pumunta ko sa cottege and sinilip sila dahil naririnig ko na yung mga bata nagsisigawan. Non stop na yung alulong ng mga aso kaya yung katabi naming cottege is nag patugtog na ng malakas 2:30 am palang.
Alas 3 ng umaga niyaya ko na sila umuwi, natatakot ako sa lugar and isa pa ang dami naming kagat haha~ aawra pa sana kami ng may araw na kaso wag nalang dahil sa ilang oras ko palang na pagstay sa lugar is wala na magandang nangyari.
Braso ng isa kong friend napuno ng kagat mag tatatlong araw na after namin pumunta dun |
bago kami umalis sabi ko na sa sarili ko kukuha ako ng shots ng maiblog ko yung lugar, obvious na super ok siya sa umaga dahil ang lawak ng lugar pero beware pag nag stay kayo ng overnight lalo na kung hindi peak season.
Shot sa Shoreline |
Hubby and I sa shoreline mga shells yung puti sa buhangin |
kung saan tumakbo yung anino |
kadiliman |
rumuronda na yung mga aso after nung may tumakbo |
walang tubig sa cr and karamihan ng rest room out of order |
one of the rooms~ |
Kubo na may terrace and room |
Tables and chairs na may umbrella |
BIRTHDAY BOY! |
yung bahay sa pinakadulo hindi ko mawari kung basurahan o tambakan ng buhangin |
kalat kalat everywhere |
Bungalow |
Babalikan ko pa ba?
definitely NO umaga man o gabi ayaw ko na talaga haha buti nalang P800 lang kaming lahat.
Here is my VLOG nung pumunta kami sa Starfish Beach Resort
you can check the description box para sa links ng vlog ni Maya and Ann
Nakapunta ka na rin ba sa Starfish Beach Resort? pakishare naman experience mo sa comment section below~
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento